Bolt tumulong sa mga kababayan

TUMULONG ang Jamaican sprint legend na si Usain Bolt sa pagbibigay ng malaking halaga sa isinagawang Jamaica Together We Stand telethon sa laban ng bansa para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Kinukunsiderang dakilang sprinter sa lahat ng panahon sa walong Olympic gold medal sa 100 meters, 200m at 4x100m relay, magbigay ang Jamaican former sprinter ng JMD500,000 ($3,700) sa aktibidad na suportado ng kanilang Ministry of Health and Wellness.

Hangad ng Jamaica na makalikom ng $10.5M para makabili ng mga supply sa sasawata sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 kung saan parte ng pondo ang pam-face masks at sa 200 ventilators.

“I am happy to donate J$500K to Telethon Jaimaica- Together We Stand,” bulalani Usain St. Leo Bolt (@usainbolt).

Ang iba pang bibilihin ng pamahalaan ay anesthesia machines, biohazard bags, goggles at face shields.

Hawak ng dating sprinter ang 100m, 200m at 4x100m relay world records kung saan ang naitala niya most-famous time 9.58 seconds sa century finals ng 2009 Berlin World Athletics Championships.

Isinagawa ang Jamaica Together We Stand reggae concert nang anim na oras noong Lunes ng gabi.

Sa 70 COVID-19 patient sa Caribbean country, iniulat na apat na ang mga namatay. (Lito Oredo)