Inilabas na ng Philippine National Police (PNP) ang artist sketch ng isa sa mga suspek sa naganap na pagsa­bog sa Roxas Night Market sa Davao City na ikinasawi ng 14-katao at ikinasugat ng halos 70 noong Setyembre 2.

Ang inilabas na sketch ay base sa positibong pagkilala ng mga saksi na kamukha ng lalaking nag-iwan ng black bag na pinaglagyan ng pasabog.

Iprinisinta kahapon ni Director Benjamin Maga­long, deputy police chief for operations ng PNP, ang artist sketch base sa paglalarawan ng mga saksi, nasa 30 anyos pababa ang suspek, may taas na 5’7” o 5’8”, kayumanggi at payat ang pangangatawan. Ito ay ­nakasuot ng itim na bonnet sa mukha at tanging mat­a lamang ang nakikita rito.

Una nang nagpalabas ng P1 milyong halagang ­reward ang pamahalaan para sa makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa suspek habang P1 milyon pa ang makakaaresto rito.

Ang nasa artist sketch ay isa sa apat na persons of interest na may kaugnayan umano sa pagsabog.