Sinalba ni Teytey Teodoro ang JRU matapos pasabugin ang Adamson 67-56 kahapon sa FilOil Flying V Preseason Premier Cup sa The Arena sa San Juan.

Muntik malusaw ang naipundar na 16-point lead ng Heavy Bombers sa kaagahan ng fourth period, sa tikas ni Teodoro ay naka-recover ang JRU para sumampa sa semifinals.

Kumana si point guard Teodoro ng 23 points kasama ang pandiin na tres na naglagay sa JRU sa unahan 62-54 papasok ng last two minutes.

Hawak ng Kalentong-based squad ang 54-38 abante sa fourth, naibaba ng Falcons sa lima.

Nag-ambag si Ervin Grospe ng 16 markers at eight boards sa Heavy Bombers.

Makakalaban ng Heavy Bombers sa semis ang mananalo sa pagitan ng San Beda at UP.