Bombita, Racelis, paparada sa BaliPure Water Defenders

2019 PVL REINFORCED CONFERENCE TEAM PREVIEW

Dumaan sa rebuilding ang team ng BaliPure Purest Water Defenders papasok sa Reinforced Conference ng PVL 2019.

Matatandaan ding hindi lumahok ang koponan noong huling conference ng torneo kaya asahan na isa sila sa pinakaaabangan na team at ng mga fan.
Nagkaroon ang BaliPure ng open tryouts nitong Marso bilang bahagi ng kanilang rebuilding.

Karamihan sa mga bumubuo sa Water Defenders ngayon ay mula sa NCAA college teams kagaya na lang ni Mapua standout Katrina Racelis, Arellano graduate Menchie Tubiera at NCAA MVP mula Perpetual na si Sandy delos Santos.

Mangunguna para sa BaliPure si veteran spiker Grazielle Bombita para ibalik ang glory days sa Water Defenders.

Katuwang pa sina import Danijela Dzakovic mula Montenegro at Alexandra Vajdova ng Slovakia, tunay na papahirapan ng koponan ang iba pang teams. (Janiel Abby Toralba)