Bonding kay misis dinilig ng dugo

Tinarakan

Nasa kritikal na kondisyon ang isang traffic enforcer matapos saksakin ang sarili ng gunting at kitchen knife nang komprontahin ang kanyang kinakasama sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo Medical Center, ang biktimang si Mike Jefferson Santelices, 38 , sa Malabon City at taga-Brgy. 105.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Police Station 1, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa tinitirhan ng biktima.

Ayon kay Robelyn Yurung, 23, kinakasama ng biktima, nag-iinuman umano silang dalawa at nang malasing si Santelices ay kinompronta siya ng kinakasama sa ‘di malamang dahilan.

Bigla na lamang umano itong nagsalita na magpapakamatay at kumuha ng gunting at kitchen knife saka sabay na tinarak sa ibabaw ng kanyang tiyan.

Humingi ng tulong si Yurung para madala sa pagamuatn ang biktima.

Sinabi ni Yurung na may suicidal tendency ang biktima at ilang beses na umano itong nagtatangkang magpatiwakal pero napipigilan lamang. (Juliet de Loza-Cudia)