Bong binuking na-comatose ang ama

Sa huling update ni Sen. Bong Revilla sa kundisyon ng amang si former Senator Ramon Revilla, Sr., sinabi niyang nasa ICU (intensive care unit) pa rin ito pero stable naman.

“He is still in the ICU and is stable, showing small signs of improvement but still facing a lot of challenges moving forward.

“His will to live, coupled with all our prayers and the kindness of God, gives us hope that this too shall pass.

“Tulad po ng dati, hinihiling po namin ang patuloy ninyong panalangin,” ang post ni Sen. Bong last Tuesday.

Inamin din ng aktor/politiko na akala raw niya ay mawawala na ang kanyang ama. Nang una raw kasi nila itong isugod sa hospital ay hindi maitaas ang kamay.

“Sabi ko sa kanya, ‘daddy, daddy, kaya natin ‘to, kaya mo ‘to, kaya mo ‘to’ sabi ko sa kanya, “give me 1 to 10, ano ka ngayon?’ Dati pagka tinatanong ko siya, sabi niya, ‘9’ ganu’n. ‘Eto, wala, hindi niya maitaas ang kamay niya.

“I thought I’m going to lose my father,” pahayag ni Sen. Bong sa kanyang Facebook live session.

Pero nakikita naman daw niyang lumalaban ang kanyang ama at aniya, “hanggang sa pagkakataong ito, nakikita ko pong gumagana ang agimat niya.”

Ikinuwento rin ni Sen. Bong na naging comatose ang kanyang ama for 20 minutes.

“Akala ng doctor, parang hindi na niya kakayanin. Pero nagising po siya,” he said.

Dagdag pa niya, “’yung mga nakita ko sa kanya kahapon, kung ikukuwento ko sa inyo, talagang maniniwala kayong may Diyos talaga. Makikita mo rin ‘yung tapang niya. Tapang niya talaga. Talagang gumagana pa rin ang agimat ni Ramon Revilla, Sr.”

Michael pumiyok sa paghihiwalay kay Cherry Lou

Kinumpirma ni Michael Agassi na hiwalay na sila ng asawang dati ring singer-aktres na si Cherry Lou.

Sa kanyang Instagram account inanusyo ng nakababatang kapatid ni Carlos Agassi ang separation kasabay rin ng pag-amin na may bago na siyang pag-ibig.

Ayon sa post ni Michael, taong 2018 pa raw ay sinabi na niya sa asawa na hindi na niya kayang makisama pa rito pero humingi raw ito sa kanya ng isa pang pagkakataon.

“In 2018, I told my ex-wife na hindi ko na kaya wanted a seperation but she “asked” me in front of my mom for another chance which I gave. Last year Sept – Oct I told my ex na I can’t go on anymore even though I tried. I felt alone and inggit ako na her family comforted her kahit sobrang mali ang ginawa nya. I was drinking almost every night for 40 days and needed someone to talk to. Ayokong ibigay lahat ng negative na nararamadaman ko sa mga closest friends ko kaya I chose not to burden them with it…..” ang post ni Michael.

Sa sumunod na post niya ay makikita ang larawan nila ng bagong girlfriend na nakilala raw niya last November, 2019.

“Mid November, I met this beautiful doctor na confident sa sarili. As I got to know her, I found out hilig nya mag aral and continuous learning sya. Just by texting and talking to her daily kept me away from drinking every night kasi I wanted her to see that I’m a good person. I fell for this person… She inspired me to be better… I believe our meeting was destiny. Perfect timing ang lahat… I wasn’t posting her not because I wasn’t proud but I wanted to keep it private to protect everyone.

“Kahit ano pang pag subok ang harapin ko, I know kayang kaya ko kasi hawak ko kamay nya … God gave me her and she’s a keeper,” ang caption ni Michael.

Matatandaang ikinasal sina Michael at Cherry Lou noong 2008 at may tatlo silang anak.

Sa comments section ay may pumunang netizen na itinakwil daw niya ang kanyang mga anak at nilinaw ito ni Michael.

“I never disowned my own kids,” aniya.

Sagot naman ng netizen, “aww sana totoo po😔kita q lang po sa story ni miss cherry lou..”

Klinaro naman ulit ito ni Michael. “Mahirap maniwala sa isang side ng story… Kaya nga i moved out of my own fams house to keep my kids safe there and i see them more than 2x a week…..” sagot niya.