Nakuha na ni Kuya Bong Go ang buong suporta ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng National Capital Region (NCR).
Sa katatapos pa lamang na motorcade sa Muntinlupa City, ipinakita ng buong grupo ang kanilang suporta kay Kuya Bong Go.
Ayon kay TODA-NCR President Ace Sevilla, kailangan na magkaroon ng boses ang TODA sa Senado kaya isusulong nilang maipanalo si Kuya Bong Go.
Aniya, mula noong nakaraang taon ay nagkausap sila ni Kuya Bong Go sa kalsada lamang at doon pinakinggan ang tunay na hinaing ng tatlong gulong.
Hindi katulad ng ibang mga politiko, pinakakain sila sa mga masasarap na pagkain at nasa loob ng isang kuwartong malamig pero pagkatapos nilang mag-usap ay nganga na dahil walang aksyon na ginawa sa mga hinaing ng TODA.
Nais nilang maging kinatawan ng TODA si Kuya Bong Go sa Senado upang bigyan ng pansin ang tatlong gulong.
Iginiit ni Sevilla na tanging silang tricycle driver lamang ang walang diskuwento sa gasolina, pero kung titingnan aniya ay sila ang may malaking tulong sa taumbayan lalo na sa mga ordinaryong Pilipino.
“Wala kaming ginagawang transport strike,” dagdag pa ni Sevilla.