Bong, Jinggoy nilaglag ni Robin

robin-padilla

Buong ningning na isiniwalat ni Robin Padilla ang mga suportado niya na tumatakbong senador para sa darating na eleksyon.

Sure siya na iikot kasama ang mga senatoriable na pinaniniwalaan niya. Baka nga raw bihira niyang masamahan ang pangangampanya ng utol niyang si Rommel Padilla sa Nueva Ecija.

Nandoon naman daw si Daniel na tutulong sa kanyang ama.

Sinabi rin ni Robin na dalawang senatoriable ang ikakampanya niya. ‘Yung isa ay dahil pinsan niya.

Sa mga artista ba ay wala siyang ikakampanya na tumatakbo gaya nina Bong Revilla at Jinggoy Estrada?

“Siguro ka­yang-kaya na nila ang mga sarili nila.

Subok na sila diyan,” sagot ni Robin nang tanungin sa presscon ng pelikula niya.
Mata­tandaan na hindi rin dumalaw si Robin nu’ng nakakulong sina Jinggoy at Bong.