Bong, Lani nilanggam

Kasabwat ni Bong Revilla ang kanilang mga anak sa sorpresa niya sa 34th anniversary nila ni Lani Mercado. Binigyan niya ito ng bouquet of flowers at love letter.

Makikita sa video ang pagbabasa ni Lani sa sulat ng senador.

“Alam kong marami kang isinakripisyo dahil sa dami ng unos sa ating pagsasama pero dahil hindi mo ako sinukuan, nagkaroon ako ng lakas na ipaglaban at protektahan ka at ang ating pamilya.

“Kung ano man ang narating ko ngayon, yan ay dahil ikaw ang unang naniwala, nagtiwala at nanindigan para sa akin. Kaya sa lahat ng panahong ibibigay sa akin ng Panginoon, ipinapangako ko na mamahalin kita, aalagaan at poprotektahan maging ang ating mga anak, kahit alam kong imposibleng matumbasan ko ang pagmamahal mo sa amin. I love you Mama. Happy Anniversary,” lahad ni Bong.

Sinuklian ito ni Lani ng halik at nagbiro na exempted muna sila sa social distancing dahil anniversary nila.

Nag-post naman si Lani ng larawan nila ni Bong habang nasa background ang wedding photo nila.

“Happy 34th Wedding Anniversary @bongrevillajrph! In all seasons till death do us part. By God’s grace and by our Love we have endured…” saad niya. (IS)