Bong Revilla nangampanya sa Las Piñas, Muntinlupa

Tinuhog ni dating Senador Ramon Bong Revilla Jr. sa kampanya nitong Sabado ang magkatabing siyudad ng Las Piñas at Muntinlupa.

Hindi naman nabigo si Revilla matapos dumugin ang isinagawa niyang motorcade sa dalawang siyudad.

“Nakakataba ng puso. Grabe ang pagtanggap ng mga tao,” wika ni Revilla sa Tonite.

“Sumasayaw tao pag nakita ako, tugtog budots,” dagdag pa ng dating senador.
Nagpapatunay lang aniya ito na hindi naniniwala ang mga tao sa mga ipinahid sa kanya ng dating administrasyon.

Ang Las Piñas ay may tinatayang 600,000 populasyon habang ang Muntinlupa ay may higit sa kalahating milyon na naninirahan.

Isa si Revilla sa pasok sa Magic 12 sa survey ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS) kaya’t malaki ang posibilidad na makabalik ito sa Senado matapos ang tatlong taon na pamamahinga dahil sa term limit.