“Disenteng suweldo para sa lahat.”

Ito ang isa sa adbokasiya ni dating Senador ­Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa kanyang kampanya na makabalik sa Senado.

Sinabi ni Revilla na oras na makabalik siya sa Senado, isusulong niya ang pagsasabatas ng across the board P125 daily wage increase.

Bukod dito, itutulak din niya ang pagtaas ng sahod ng mga guro at nurse upang maipantay sa ­suweldo ng mga pulis at sundalo.

“Marapat lang na ipantay natin ang mga guro sa suweldo ng mga pulis at sundalo, dahil pare-pareho naman silang mga bayani ng ating bayan,” saad ni Revilla.

“Napag-usapan din lamang ang mga bayani, kailangan ding maisama sa pagpantay ng suweldo ang ating mga nurses na nangangalaga sa ating mga kababayan,” dagdag pa niya.