Bong Tan ng PAL, UE yumao na

Bong Tan ng PAL, UE yumao na

Pumanaw na kahapon ng umaga ang anak ni Lucio Tan na si Lucio ‘Bong’ Tan Jr. tapos atakihin sa puso habang nagba-basketball sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong City nitong Sabado.

Ang nakababatang Tan ang pangulo ng Philippine Airlines (PAL) Holdings Inc. at coach ng men’s team University of the East Red Warriors sa UAAP.

Pumanaw si Bong sa edad na 53. Inulila niya ang kanyang asawang si Julie, at mga anak na si Hun hun o Lucio III at Kyle.

Inanunsiyo ng kapatid niyang si Vivienne Tan ang kanyang pagyao at dinagdag na mala­king kawalan o mahirap punan ang obligasyon ng kanyang kapatid sa kanilang mga negosyo.

“Bong was a son, husband, father, friend and most importantly, our elder brother whom we all relied on for advice, counsel and leadership,” ani Viviene.

“His untimely passing­ leaves a big void in our hearts and our Group’s management team which would be very hard to fill,” panapos niyang sabi.

Nakiusap rin siya sa lahat na respetuhin muna ang kanilang privacy habang pinagdadaanan nila ito at iaanunsiyo nila ang detalye ng burol at libing sa darating na mga araw. (Eileen Mencias)