Bongbong nahihilig sa Esports

Sadyang malayo na ang nararating ng teknolohiya hindi lamang sa kalidad ng mga dating laro kundi pati na rin sa pagkukumpara sa mga pinakabagong nadebelop na mga game title at aplikasyon sa electronic sports (Esports).

Hindi nakalampas maski sa mga politiko na alamin ang pulso ng komunidad ng gaming o Esports.

Katulad ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na ipinakita sa kanyang personal na vlog sa pagnanais malaman ang mga taktika sa paglalaro ng mga bagong game.

“Who can still remember Space Invaders and the days when games were played in arcades? In just one lifetime, gaming technology has advanced so rapidly— now it’s literally at the tip of our fingers!,” pahayag niya sa kanyang Twitter na Bongbong Marcos @bongbongmarcos nito lang February 22.

Isa ang Esports sa pinakamainit na punto ng diskusyon dahil sa malaking oportunidad na patuloy na hindi natatapik para sa pagpapalawak sa kinukunsiderang pinakamalaking komunidad na papaangat sa mga bagong sports.

Ito ay matapos na ang anak ng dating pangulo ng bansa na si Ferdinand Marcos Sr. ay mag-post na nagpapaturo ng Mobile Legends: Bang Bang sa kanyang YouTube vlog.

Hindi nakaligtas sa matinding kritisismo ng mga mahihilig sa Esports at netizen ang vlog ng politiko dahil na rin sa noong panahon ng panunungkulan ng kanyang ama ay hindi pinayagan at idineklarang ban ang paglalaro ng mga digital game sa arcade.

Tila nabansot ang bansa at napag-iwanan sa pagdedebelop sa makabagong teknolohiya tulad sa paggawa ng iba’t ibang mga mabibilis na laro dahil sa nasabing pag-ban.

Maituturing na sadyang napag-iwanan na mismo ang bansa sa teknolohiya ng mga laro subalit hindi ang mga mahuhusay na manlalaro na pruweba ang pagsabak nila sa mga internasyonal na torneo.

Hayaan natin na tuluyang makasabay ang bansa sa pagpasok ng makabagong teknohiya at sana ay mabigyan ng pansin ang malawak na oportunidad na makakamit sa balon ng electronic sports.