Adrien Semblat at Isabelle Diaz Daza
Adrien Semblat at Isabelle Diaz Daza

MARAMI ang nagulat sa mga litrato at videos na nagkalat sa iba’t ibang social media networ­king sites kung saan ay makikitang si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang nag­hatid sa altar kay Isabelle Daza nang ikasal ito noong Sabado kay Adrien Semblat.

Namatay kamakailan ang tatay ni Isabelle na si Bong Daza (SLN), kaya marami ang nag-akala na baka si Sandy Daza na kapatid ng kanyang tatay, o kaya ay ang ina niyang si Gloria Diaz ang maghahatid sa kanya sa altar.

Bakit ang anak ni Mrs. Imelda Romualdez-Marcos ang gumawa no’n?!

Sa mga hindi nakakaalam, noong nabubuhay pa ang tatay ni Isabelle, BFF sila ni Bongbong.

Noong mga binata pa sila, palagi silang magkasama. Kahit may kanya-kanya na silang pamilya, hindi nawala ang closeness nila.

Noong binata pa si Bong, proud ito na sinasabing sobrang ka-close nito ang anak ni Pres. Ferdinand E. Marcos.

Sobrang proud din daw si Bongbong sa kaibigan na isa sa mga anak ng famous chef na si Nora Daza (SLN).

Noong huling araw ng burol ni Bong, sa eulogy, nagbiro pa si Bongbong na actually eh siya ang tunay na asawa ni Bong dahil sa sobrang close nila nang nabubuhay pa ito.

Hindi matatawaran ang closeness nina Bong at Bongbong noong nabubuhay pa ang una, kaya parang tatay na rin ni Isabelle si Bongbong.

***

Nasa kasal ni Isabelle ang isa sa mga matalik na kaibigan niya na si Raymond Gutierrez.
Ang alam namin, bukod sa pagiging bisita, namahala rin si Raymond sa co­verage ng E! international cable channel sa nasabing kasalan.

Hindi na lang kasi isa sa mga bida ng reality TV series na It Takes Gutz to be a Gutierrez at host ng E! red arpet events si Raymond kundi producer na rin siya sa isang show na involved din si Isabelle.

Kahit nasa Italy ngayon si Raymond, hindi niya nakalimutang ibilin sa amin na i-promote ang It Takes Gutz to be a Gutierrez na napapanood sa E! tuwing Lunes nang 8:30PM.

Sa family reality TV series kasi nila ay mas nakikilala ng public ang totoong Raymond Gutierrez.

Sobrang concerned din siya sa kanyang pamilya lalo na kapag may mga nangyayaring gulo o problema.