Sa paggunita ng 156th kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, sinalubong ng kilos protesta ng mga militanteng grupo na Kilusang Mayo Uno ang tanggapan ng konsulada ng Pilipinas sa Gil Puyat Avenue Makati City kahapon ng umaga.
Alas-nuwebe ng umaga nang dumating ang libo-libong manggagawa at nagmartsa sa mga pangunahing lungsod sa buong bansa upang gunitain ang Bonifacio Day.
Ayon sa grupo ng KMU, ang pagkilos ay pagkondena kay Pangulong Rodrigo Duterte na anila’y nagbebenta ng national resources sa mga dayuhang bansa at paglabag sa kalayaan ng mamamayang Pilipino.
Ipinoprotesta rin ng grupo ang Chinese geographical at economic intrusion sa West Philippines Sea, kabilang ang Recto Bank na may oil and gas reserves, ang pagpasok sa kontrata at proyekto sa mga Chinese corporation.
Nagsunog din ng bandila ng China ang militanteng samahan sa harap ng Chinese Consulate sa Makati bago nagmartsa patungo sa Mendiola.
May kasabay ding pagkilos o protesta ang militanteng samahan sa Baguio City, Calamba, Laguna, Cebu City, Butuan City at Davao City. (Armida Rico)