Bonus ng mga titser nawawala

school teacher

Umapela sina ACT Teachers Representa­tive Antonio ‘Tonchi’ Tinio at Representative France Castro, na kagyat nang ibigay­ ang performance based bonus (PBB) ng mga guro.

Masyado na umanong atrasado ang PBB ng mga titser­ dahil hindi pa umano naipamamahagi­ ang para sa taong 2016, ayon sa dalawang mam­babatas.

Bunsod nito, ma­riing kinokondena­ nina Tinio at Castro ang Department of Education (DepEd) at Department of Budget and Management (DBM) bunsod ng ­hindi umano agarang pagkakaloob ng PBB sa mga guro.

“Karamihan sa mga kawani ng pamahalaan ay natanggap na nila ang kanilang PBB 2016 at 2017.

Samantala, ang mga empleyado sa ilalim ng DepEd ay hindi pa rin natatanggap ang PBB 2016. Ito ay kapaba­yaan at pagsasawalang bahala sa kalagayan ng mga guro at kawani ng DepEd na dapat hindi maantala ang mga benepisyong ito,” ayon sa pahayag ng mga kinatawan ng ACT Teachers Party-list.