tonite-this-is-it-roldan-castro
Inaabangan na ang salpukan sa telebisyon nina Vice ­Ganda laban kina Boobay at Tekla. Magtatapat ang kanilang programa na “Gandang Gabi Vice” at “The Boobay and Tekla Show” simula sa January 27.
Mailampaso kaya ng dalawang komedyante si Vice?
 “Nagpapasalamat ako sa GMA kasi nakita nila ‘yung chemistry namin ni Tekla as comedy duo. Pero para sa akin, fans ang may kagagawan kung bakit kami mapapanood sa telebisyon. Kung hindi dahil sa suporta nila—sa libo-libong likes at views na binibigay nila sa amin sa bawat episode ng show namin, hindi kami mabibigyan ng chance ng GMA. Kaya maraming salamat talaga, para sa kanila ito,” sambit ni Boobay.
“‘Yung nararamdaman ko is tuwa and at the same time, challenging din ito para sa amin ni Boobay kasi mabigat na responsibilidad ang comedy. Kung sa iba siguro pagpapatawa lang ‘yun, pero para sa amin, seryosong bagay ito. Pero mas nangingibabaw ‘yung feeling na lumevel up na kami kasi dati sa online lang kami nakikita, ngayon sa national television na. Buong mundo na ang makakanood sa amin so pinapangako namin na mag-e-exert pa kami ng more effort and ideas,” saad naman ni Tekla.
Ang “The Boobay and Tekla Show” ay magsisimula sa January 27, 10:25 to 11:25 PM, sa  GMA Sunday Grande.

Jo Berry join sa ‘10-year challenge’

Hindi nagpahuli ang lovable ‘Onanay’ lead star na si Jo Berry sa viral ngayon na ‘10-year challenge’ sa social media. Sa kanyang recent post sa Instagram, ibinahagi ni Jo ang kanyang litratong kuha sa loob ng GMA building.
Ayon kay Jo, kung ang iba ay picture nila 10 years ago ang pino-post, very proud naman niyang pinost ang photo niya 10 months ago kung kailan siya nagsimula bilang isang Kapuso.

 

Paliwanag niya, ito raw ang photo niya nu’ng dumalo siya para sa story conference ng “Onanay.” Very proud and happy siya dahil hanggang ngayon ay napapanood pa rin ito sa primetime at patuloy na humahataw sa TV ratings. Nagpasalamat din si Jo sa lahat ng tumulong sa kanyang journey bilang isang artista lalo na sa kanyang fans at avid viewers ng drama series.

 

Samantala, lalong dapat tumutok sa top-rating series na “Onanay” simula ngayong  Lunes dahil sa mas tumitin­ding mga tagpo at rebelasyon sa buhay ng mag-iinang sina Onay (Jo), Natalie (Kate ­Valdez) at Maila (Mikee Quintos).

‘Onanay,’ ‘Kara Mia,’ ‘My Special Tatay’  ginaya ng mgaestudyente

Talagang inaaba­ngan ang mga GMA shows lately lalo na ang “Onanay,”  “My Special Tatay” at ang upcoming series na “Kara Mia.”

 

 

Bukod kasi sa tinututukan na ito, ginagaya pa. Ilang estudyante ang gumaya sa ilang mga eksena at galaw ng mga sikat na karakter ng GMA na sina Boyet ng “My Special Tatay,” Onay ng “Onanay,” at ang kambal na sina Kara at Mia ng “Kara Mia.”

 

Sa video, mapapanood ang panggagaya ng mga estudyante sa pagmamakaawa ni Onay (Jo Berry) kay Rosemarie/Natalie (Kate Valdez) na bumalik na siya, pero biglang pumasok si Boyet (Ken Chan) upang pigilan ang mag-ina na mag-away. Sunod namang pumasok sa video ang isang tao na nakasuot ng jacket at maya-maya pa ay ipinakita ang isa pang mukha niya sa likod na tulad ng magkapatid na sina Kara (Barbie Forteza) at Mia (Mika dela Cruz).
Agad itong nakalikom ng atensyon ng ilang netizens at shinare ito sa kanilang mga social media account. Sa kasalukuyan ay mayroon na itong almost 4 million views!

Olivia sinapawan si Karen sa evening gown

Pasabog ang gawang Pinoy sa evening gown competition na inirampa ng Miss Intercontinental candidate.
Nagwagi sa evening gown competition ang sinuot ni Olivia Molle, ang pambato ng Germany.
Nasapawan ang kinatawan ng Pilipinas na si Karen Gallman. Hindi naman napi-pressure si Karen sa laban niya kahit nananalo ang ibang kandidata sa ilang special award.
Huhusgahan na sila sa  coronation night na idaraos sa  January 26 sa MOA Arena.