Natawa si Barbie Imperial sa tanong namin kung bakit parang biglang lumaki ang boobs niya.

‘Yun kasi ang napansin namin sa bonggang sexy shots niya bilang bagong calendar girl ng panlalaking inumin.

“Tawang-tawa ako, ikaw talaga! Ganito na ‘to, ‘Araw-Gabi’ pa lang, ‘no! Ha! Ha! Ha!” sagot sa amin ni Barbie girl.

Ah talaga ba? So, hindi niya pina-enhance ‘yon kaya nagmukhang malaki?

“Hindi ako nagpapagawa, mumsh! Hindi lang kasi ako nagpapakita ng dede dati. Ha! Ha! Ha!” tawa ni Barbie. (Allan Diones)