Boobs ni Deborah Sun pinagnasaan ng nakakulong na ex-matinee idol

Deborah Sun

NALOKA kami sa birthday party na dinaluhan namin dahil sa kuwento ni Deborah Sun. ­Unang tsika niya sa amin, nagpapasalamat daw siya kay Coco Martin dahil pinakiusapan daw niyang isali siya sa Ang Probinsyano dahil kailangan niya ng trabaho, at kaagad naman daw na isinama siya roon ­kahit sandali lang.

“Okay lang ‘yun, basta may trabaho, di ba? Ang bait-bait ni Coco sa akin,” kuwento pa ni Deborah.

Ang ikinaloka namin sa kuwento niya ay isang madaling araw daw nung nagi-internet­ siya, biglang nag-PM daw sa kanya ang isang dating matinee idol na nakakulong pa rin ngayon.

Kahit pala nasa loob ng kulungan itong si dating matinee idol ay nakakapag-social media pa ito at active na active daw ito sa Facebook.

Si Deborah nga ang isa sa nakaka-chat niya, pero nagulat lang ang aktres nang biglang pumasok daw ang mensahe ng nakakulong na dating matinee idol.

Sabi raw sa kanya: “Tita, puwede bang makita ang boobs mo? I’m serious.”

Tawa kami nang tawa sa kuwento ni Deborah. Para raw maniwala kami, ipinakita pa niya sa amin ang private messages sa kanya nitong aktor.

“Naku! 59 years old na ako, pagnanasaan pa ba niya ako? Hindi ko sinagot,” sabi sa amin ni Deborah.

Dagdag pang PM sa kanya; “Curious ako. Mahilig ako sa malaki ang boobs. I know you understand my request tita.”

Deadma pa rin daw si Deborah dahil kinikilabutan na raw siya sa ipinaparating sa kanyang mensahe. Hanggang sa nag-message na lang daw sa kanya na, “Kung ayaw mo eh, eh di huwag!”

May pahabol pa raw na sana secret lang daw nila iyun, pero hindi nakapagpi­gil si Deborah, naaliw siyang ikuwento sa amin ang karanasang iyun.

Hindi namin alam kung may asim pa nga ba si Deborah, pero sabi nung isang mamang katabi namin sa table, kahit matanda na raw ang aktres, maganda pa rin daw ito. ‘Yun na!

Direk Maryo ayaw nang  makialam sa kaso ni Robin Robel

NAKATSIKAHAN namin­ si Direk Maryo J. delos Reyes sa birthday party ng kaibigan naming si Jorge Victorio at natutuwa siya sa  bagong sexy rom-com series ng GMA 7 na The One That Got Away dahil nakuha raw nito ang gusto niyang mangyari sa bagong programang ito ng GMA Telebabad.

“Tama lang sa timeslot na papalitan niya ang My Korean Jagiya­ dahil hindi naman ganun kaaga pa,” pakli­ niya.

Si Direk Maryo kasi ang nagdirek ng pilot episode nito at itinuloy na lang ng ibang direktor. Ganun na raw muna ang ginagawa sa ngayon, gagawin lang daw niya ang template tapos itutuloy na ng ibang direktor ng GMA 7.

Medyo napagod daw siya sa soap, kaya gusto na sana muna niyang mag-movies. Ayaw raw muna niyang ma-pressure sa ngayon.

Kaya nung kinumusta namin ang kaso ng alaga niyang si Robin Robel na nahulihan ng droga, ayaw na niyang magkomento dahil inaayos na rin naman daw ng kapatid ni Robin.

“Ang hirap kasi ‘pag drugs na. Kaya ayoko na munang pakialaman yan,” sagot sa amin ni Direk Maryo.

Excited na lang daw siya ngayon sa TOTGA dahil kakaibang serye raw ito na bumagay sa kaseksihan ng mga bidang sina Dennis Trillo, Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos.

“Masaya lang siya at landi-landian lang,” nakangiting tsika sa amin ni Direk Maryo.

Mamayang gabi na magsisimula ang The One That Got Away, pagkatapos ng Kambal Karibal.