Boobs ni Myrtle inokray

tonite-this-is-it-roldan-castro
Inalmahan at maraming nag-ampalaya kay Myrtle Sarrosa dahil sa pinost niyang sexy photo.

Hindi type ng madlang people ang caption lalo’t pinaratangan siyang retokada. Mababasa sa kanyang IG account @myrtlegail: “I don’t have the perfect body. I am flawed in many ways. But I’ve learned that these insecurities should never stop me from loving my own body.

Embrace who you are. Embrace your imperfections. Be confident of your own skin.”

May mga bumatikos kay Myrtle sa mismong IG account niya.

@jessamaepino, “Retokada sya. Halata naman na madami na syang pinabago sa katawan nya.”

@jessamaepino, “Nahiya ako sa caption, retokada naman.”

Kinuyog ng mga fan ni Myrtle si @chinchin0323 na nang-okray sa boobs ng actress. @ gladwanderwoman:“ uhm, baka po kasi uso yung puberty sa mga tao 🙂 lahat naman nagbabago. Yung dati nga pong payat eh tumataba, maraming changes sa mga katawan natin kaya dapat po wag na lang tayong mapanghusga 🙂 but peace tayo. Just saying lang naman :)”

tintintinamenes: @chinchin0323 paboob job ka din ate para hnd ka naiinggit sa boobs ni Myrtle

imellomell@chinchin0323 laki po ng problema mo sa boobs nya? inano ka ba ?? hater mo po!

May pumuna rin sa netizen sa sinabi ni Myrtle na ‘flaws’. Para raw niya binababa ang katangian ng mga kababaihan.

Anyway walang malisya­ si Myrtle sa caption niya. Binibigyan lang mga bashers ng kahulugan bawat salitang binibitawan ng mga artista sa social media.

Panoorin na lang si Myrtle sa pelikulang “Tres” sa October 3 kasama sina Jolo Revilla, Bryan Revilla at Luigi Revilla.

Talbog!

 

Euro Pop champion Ryan, isa nang Star Music artist

Inilunsad na ng Euro Pop Berliner Perle 2015 grand prix champion na si Ryan Tamondong ang kanyang pinaka-inaabangang self-titled debut album mula sa Star Music.

Dating contestant si Ryan sa “I Can See Your Voice” ng ABS-CBN na nasungkit ang ikalawang puwesto sa isang episode ng nasabing mystery music game show. Ngayon may album na siya at kasalukuyang ipinakikilala ang kanyang pop love single na “Haay Pag-ibig” mula sa komposisyon ng kanyang manager, ang songwriter na si Joel Mendoza.

Isang Conservatory of Music student sa University of Santo Tomas si Ryan na kasalukuyang tampok din sa “OPM Refreshed” ng Star Music YouTube channel.

Dito kabilang ang kanyang live version ng OPM classic na “Sana Ay Ikaw Na Nga,” ang Basil Valdez original mula sa komposisyon ni Cecile Azarcon Inocentes. Bahagi rin ang awitin ng five-track album ni Ryan.

Ilan pa sa dapat mapakinggan sa bagong album na ito ang “Ikaw Ang Panaginip” at “Ako’y Minamahal Mo Pa Rin,” na isinulat rin ni Joel, at ang “Since You Went Away,” mula sa komposisyon ni Joel at Vehnee Saturno.

Ang bagong Star Music talent ang kauna-unahang Asian na sumali at nagwagi sa Euro Pop Berliner Perle grand prix championship na ginanap sa bansang Germany. Dahil sa pagkakapanalo niya rito, siya rin ay itinanghal na International Achievement Awardee sa 29th Awit Awards.

Pakinggan at i-download na ang mga awitin ni Ryan sa digital stores.

 

Nyca Mae best in swimsuit

Pambato ng Bulacan si Nyca Mae Dayao Bernardo, naging Mutya ng Bulacan 2017. 19 years old. Nakuha niya ang Best In Swimsuit sa Miss Philippine Island dahil sa pamatay niyang katawan.

Aktibong modelo at estudyante si Nyca Mae. Kumukuha siya ng Accountancy and Business Management. Pangarap din niya na maging flight attendant.

Naging Literary editor din siya sa kanilang school organ.

Bongga.