Booker ginutay ang Nets

Booker ginutay ang Nets

Sa pangunguna ni Devin Booker, nagliyab sa 3-point range ang Phoenix Suns para gutayin ang Brooklyn Nets 138-112 Linggo ng gabi sa 74th NBA 2019-2020 regular game.

Tapos ng first three quarters, 16 for 34 mula sa labas ng arc ang Suns bago kumampay sa pa­nalo – pang-apat sa limang laro.

Mula sa field ay 10 of 14 si Booker, 4 for 5 sa 3-pointers tungo sa 27 points, namigay pa siya ng 9 assists.

Nagdagdag si Ricky Rubio ng season-high 22 points at 12 assists sa Phoenix. May 18 pts. si Kelly Oubre Jr., tumapos ng career-high 15 markers­ si rookie Came­ron Johnson.

Pasok ang 10 sa unang 11 tira ng Suns kabilang ang 4 for 5 sa 3s, abante ng 20 ang Phoenix sa quarter. (VE)