Booker, Jenner nag-date sa AZ

Habang hindi pa tiyak kung kelan ang pagbabalik ng 74th National Basketball Association (NBA) 2019-20, ginugol naman ni Phoenix Suns star Devin Booker kasama ang sikat na supermodel na si Kendall Jenner ang panahon sa isang road trip sa Sedona, Arizona.

Kilala ang 24-year-old, 5-foot-11 fashion model/media personality history na madalas makipag-date sa mga sikat basketbolista katulad nina Phildelphia 76ers plauer Ben Simmons, Detroit Pistons’ Blake Griffin at Jordan Clarkson ng Utah Jazz.

Ayon sa TMZ Sports, magkaibigan lang dalawa kahit pa ipinakita sa kanilang kuhang footage na pumasok sa $250,000 na kotse ni Booker si Jenner na galing sa Los Angeles.

“Kendall and friends have a small social circle amongst the group, who have been following the same social distancing and physical distancing guidelines.”

“Devin is a friend and is part of the small group. They took a road trip for some much-needed air,” hirit pa ng TMZ. (JAT)