Nagsagawa kahapon ng iba’t ibang pagsasanay sa isla ng Boracay ang mga ahensya ng pamahalaan bilang pagha­handa sa pagbubukas ng sikat na tou­rist destination ngayong araw.

Nakibahagi sa simulation exerci­ses (Simex) ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Phi­lippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP) at mga local government units (LGU) upang malaman kung gaano sila kabilis sa pagresponde sakaling may kaguluhan sa isla sa gitna ng mga banta ng terorismo sa bansa.

Kabilang sa mga isinagawang pagsasanay ay ang pagresponde sa insidente ng mga bomb threat, hostage taking at rescue operation.

Samantala, sinabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na perso­nal na nagtungo sa Boracay kahapon, na aabot sa 400 pulis ang itinalaga nila sa lugar dahil sa inaasahang pagdating ng mga kilalang tao at paglobo ng bilang ng mga turista sa isla.