Sa kabila ng isinasagawang rehabilitasyon, humanay at nakapuwesto sa ika-siyam ang ipinagmamalaking White Beach ng Boracay sa iba pang pang world-class na beach sa Asya.
Batay ito sa Top 25 Asia’s best beaches ng TripAdvisor 2019 Travelers’ Choice Awards kung saan nakasama rin ng sikat na isla ang mga beach sa India, Thailand, Indonesia, Sri Lanka ay Myanmar.
Ayon sa travel website, “White Beach lies on the western side of Boracay, extending five kilometers with powdery sand and clear turquoise waters.”
Pasok din sa ika-25 ang Yapak Beach o Puka Shell Beach na matatagpuan din sa Malay, Aklan. Pero bukod dito, kabilang rin ang dalawa pang beach sa El Nido, Palawan, ito ang Nacpan beach na sa ika-13 puwesto at ang Las Cabanas Beach na nasa ika-22.
Nakuha ng Radhanagar Beach na nasa Havelock Island sa India ang unang posisyon.
Ang iba pang beach na pasok sa top 10 ay ang Kelingking Beach sa Bali, Indonesia; Nai Harn Beach sa Phuket, Thailand; Agonda Beach sa Goa, India; Bentota Beach sa Bentota, Sri Lanka; PhraNang Cave Beach sa Ao Nang, Thailand; Varca Beach sa Goa, India; Karon Beach sa Phuket, Thailand at Ngapali Beach sa Ngapali, Myanmar.