Iniskor ni JB Borlongan ang kaisa-isang goal ng University of the Philippines sapat upang sorpresahin ang defending champion Ateneo de Manila University, 1-0 kahapon sa UAAP Season 80 men’s football tournament sa Rizal Memorial Stadium.

Kinana ni Borlongan ang panelyong puntos para sa Fighting Maroons sa 75th minute.

Natapos ang laban na 10 player lang ang natira sa Blue Eagles matapos patalsikin si Sam Lim sa 60th minute dahil pangalawang yellow card habang sina reigning MVP Jarvey Gayoso at Fidel Tacardon ay nabigyan din ng yellow cards.

Kumana naman si Jasper Absalon ng late second half goal para itaguyod ang University of the East sa panalo laban sa National University, 1-0.

Pang-apat na sunod na panalo ng Red Warriors kasama ang laro nakaarang season.