Although maraming beses na namin itong nasulat sa aming kolum, pormal nang inanunsyo ng Viva Films ang pagsisimula ng filming ng bagong version ng Filipino folk hero na “Pedro Penduko” na pagbibidahan ni Matteo Guidicelli.

Matapos lumabas si Matteo sa kanyang month-long extensive military training bilang army reservist ay nagsimula na siya ng sumailalim ng training ng iba’t ibang Filipino martial arts sa tulong ng kanyang fight director na si Sonny Sison. Magagamit din ang magandang pangangatawan ni Matteo na parating nakasuot lamang ng pantalon at tali sa kanyang ulo.

Samantala, hindi kaya pagsisihan ni James Reid ang ginawa niyang pag-atras sa naturang project kaya ito napunta kay Matteo Guidicelli?

In fairness, mas bagay kay Matteo ang title role kesa kay James.

Ending ng Barreto war malabo

Sa gitna ng iskandalo ng Barretto family nasa San Francisco, California, USA si Gretchen Barretto .Pinapunta siya ng kanyang kaisa-isang anak na si Dominque Cojuangco na naka-base roon.

Gusto marahil ni Dominique na malayo ang kanyang ina sa matinding kontrobersiya na kinasasangkutan nito ngayon.

Pero dahil sa accessibility ng social media, hindi ito nangangahulugan na hindi ito (Gretchen) puwedeng mag-post o sumagot sa mga bagong banat sa kanya ng kanyang nakababatang kapatid na si Marjorie at pamangking si Nicole .

Napanood ni Gretchen ang exlclusive interview kay Marjorie ni Karen Davila ng “Headstart” at ilang portion nito ay ipinalabas sa “TV Patrol” kaya hindi nag-aksaya ng panahon si Greta na sagutin ang akusasasyon laban sa kanya ni Marj.

Hangga’t walang gusto sa kanila na itigil ang kanilang patutsadahan sa kanilang social media account, hindi talaga matitigil ang giyera ng mga Barretto.

I wonder kung may magagawa pa ang kanilang inang si Inday Barretto na pagbatiin ang kanyang warring children dahil hindi rin ito nangyari kahit nung nabubuhay pa ang Barretto patriarch na si Miguel.

Maraming mahahalagang okasyon na rin ang pinalagpas ng Barretto sisters and family na hindi naging buo ang kanilang pamilya. Ultimo ang burol ng matandang Barreto ay hindi naging daan ng kanilang pagkakaisa bagkus ay naging daan pa ng kanilang lalong pagkakawatak-watak.

Kumbaga sa isang teleserye, kailan kaya ito magwawakas?