Kilala sa mundo ng basketball si Grayson ‘The Professor’ Boucher ng Estados Unidos dahil sa kanyang bilis at kakaibang tricks sa court.

Dumayo ng Pilipinas si Boucher para ibahagi ang kanyang matinding ballhandling skills sa one-day ballhandling skills clinic ngayong Lunes, March 26.

Sold-out na ang kanyang basketball camp na ‘Basketball for a Cause’ sa Chiang Kai Shek College.

Makakasama ng streetball legend si dating two-time PBA champion import Justin Brownlee, ex-New York Knicks Renaldo Balkman, at ASEAN Basketball League team SMPP Alab Pilipinas. Dadalo rin si dating NBA star Stephon Marbury.

“I can’t wait to share my knowledge with every­one. The Philippines has always shown me love, and it’s a privilege and honor for me to give back to the Filipino youth,” ani Boucher, huling bumisita sa bansa apat na taon na ang nakakaraan.

Ang clinic ay inorganisa ng Team Reyes, Jersey Haven at Global Hooper, sa pakikipagtulungan ng SnippetMEdia.(Vladi Eduarte)