Unang Filipino athlete si Bong Coo na naukit sa Guinness Book of World Records kaya naman maraming umiidolo sa kanyang mga batang bowler sa Pilipinas.
Kasama si 70-year-old Coo sa 10 pinarangalan sa Philippine Sports Hall of Fame kamakalawa ng gabi sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
Sumubok sa national team si Coo noong 1971, makaraan ang isang taon ay naging Asian champion agad.
Sa kanyang talumpati pagkatanggap ng tropeo, ikinuwento ni Coo ang hirap na pinagdaanan niya bago naging bowler at sa kanyang pagiging atleta, nakapag-uwi siya ng 79 na medalya.
“I was blessed with 79 medals in stint as a national player, 37 golds, 23 silvers, 19 bronzes with four World Championships and five Asian Games gold,” ani Coo. “I Thank the Lord for allowing me to serve my country in sports.”
Bukod kay Coo, ang ibang pinarangalan ay sina Paeng Nepomuceno, (bowling), Boxing champ Erbito Salavarria at Asia’s sprint queen Lydia “Diay” De Vega.
Kasama sa pinarangalan sina Filomeno Codiñera (baseball/softball), Josephine dela Vina (athletics), Loreto Carbonell (basketball), Benjamin Arda (golf), Lita dela Rosa (bowling) at Sen. Ambrosio Padilla (basketball), ang kanilang mga naiwan na pamilya ang tumanggap ng tropeo.