Box score sheet ni Mamba isusubasta

May pagkakataon pang mapasakamay ng fans ang ­naiwang alaala ng lodi nilang namatay na si NBA legend Kobe Bryant.

Ano ito?

Ang makasaysayang box score sheet na may 81 points ni Black Mamba.

Sa ngayon kasi ay nasa ­auction ito, isinusubasta ng Goldin ­Auction ang pambihirang score sheet na pirmado ng yumaong Lakers star na hawak lang ng mga media, player at staffer matapos ang laro.

Pinirmahan niya ito gamit ang blue ballpoint pen ilang minuto matapos kumana ng incredible figure kontra Toronto Raptors.

Ang nasabing legendary performance ni Kobe noong Jan. 22, 2006 ang second-­highest point total sa ­kasaysayan ng NBA ­kasunod ng itinatak na 100-point game noong 1962 ni Wilt Chamberlain.

Ang bidding sa nasabing ­amazing piece ni Mamba ay ­nagsimula na at inaasahang ­magtatagal hanggang Marso.

Nabatid na ido-donate ang ilang porsiyento ng kikitain sa auction sa “MambaOnThree Fund” isang charity para na rin sa mga pamilyang kasamang namatay ng Los Angeles Lakers great. (Aivan Episcope)