KUALA LUMPUR — Walang pinalusot ang Filipino boxers sa unang sabak sa SEAG kahapon sa Malaysia International Trade and Exhibition Centre Hall 8, 3-for-3 ang tally sa pangunguna ng knockout victory ni Mario Fernandez kay Maung Ng Eng ng Myanmar.
Dinomina rin ni reigning SEAG flyweight champion Ian Clark Bautista si hometown bet Abdul Salam Kasim, naglista ng unanimous decision victory si Eumir Felix Marcial kay Nguyen Manh Cuong ng Vietnam sa middleweight.
“Masaya pero hindi puwedeng magkumpiyansa dahil malalakas ang mga kalaban,” komento ni Marcial.
Mamaya sasabak sina Fil-Brit Marvin Jon Tupas, Olympian Charly Suarez at Carlo Paalam.
Inalat naman ang table tennis tandems nina Isaias Seronio at Jamaica Dianne Sy, at sina Jann Mari Nayre at Emy Rose Dael sa midex double sa MITEC Level 2.
At sa Sunway Pyramid, 12th, 14th at 15th lang sina Lara Posadas, Krizziah Lyn Tabora at Ma. Liza del Rosario sa women’s tenpin bowling singles. Nanguna sa event ang Singapore at dalawang bets ng Malaysia.