Boxing champ tukod sa 1-Pacman

Boxing champ tukod sa 1-Pacman

Isa ang Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao sa mga sumuporta at nag-endorso sa 1-Pacman Party-list.

Maliban kay Pacquiao at dating senador Lito Lapid ay inindorso rin ng iba pang grupo ng mga personalidad sa larangan ng sports ang 1-Pacman Party-list group na ang 1st nominee ay si Incumbent Rep. Mikee Romero.

Kabilang din sa mga ito ay ang mga basketball player na sina Lewis Alfred Tenorio, Scottie Thompson, at Mark Caguioa ng Barangay Gineb­ra San Miguel; Beau Belga ng Rain or Shine Elasto Painters; at Jayson Castro ng TNT KaTropa.

Kasama rin ang volleyball players na sina Mika Reyes, Melissa Gohing, Cha Cruz, at Rachel Ann Daquis, at boxers Romero Duno at Reymart Gaballo.
Trending na rin ang video ng 1-Pacman kung saan ay makikitang iginuhit ni Romero na may mararating ang Pilipinas sa tulong ng isang tapat na lider.

“Pag-asa at inspirasyon ang hangarin ko para sa lahat,” ani Cong Romero sa video.

Ilang programang naitaguyod ng 1-Pacman sa pamumuno ni Congressman Romero ay ang 1-Pacman Scholarship Program kung saan nakapagpaaral ito ng 12,000 estudyante at nakapagbigay ng 10,000 scholarship sa TESDA.

Naitatag din ng partido ang Abot-Alam Program para mabigyan ng pagkakataong ang mga out-of-school youth na mag-aral ulit.

Sa loob ng tatlong taon ay nakapaghain ang 1Pacman ng 26 laws na nakatuon sa sports, trabaho, at edukasyon.