Sumilip ako sa sabu­ngan nakaraan, siyempre nanaya rin ganun ta­laga tayong mga sabungero ‘pag may pamusta ‘di mo matitiis na ‘di magtrabisiya lalo na’t kung maliyamado.

Maliyamado noong araw na ‘yun kaya naman medyo masaya, at lalong sumaya kasi may isang sultada na naging tampok sa mga sabungero, ito ‘yung nanalo ng dehado na sobra ang saya kaya habang kinukuha ang kanyang manok sa sentinsyador ay puro buka ng bibig dahil pinagmamalaki ang kanyang manok sa mga tao sa ruweda.

Tawagin na lang natin na “Boy Paikot” si kuya na nanalo.

Alam n’yo naman mga klasmeyt sa sabungan mga numero unong alaskador ang mga tao riyan, ano pa nga ba ang isisigaw ng mga sabungero kundi, “KUWENTO!” KUWENTO!” hanggang pagbaba ay sige pa rin ang kuwento kaya tuloy din ang sigaw na pang-aasar ng mga sabungero, “KUWENTO!” “PAIKOT!” Natawa talaga ako kasi biglang nagalit si Boy Paikot at nagsisigaw ito habang papunta sa pagamutan.

Sinundan ko at gusto kong kuhanan ng video kaso sobrang galit napikon yata, nagsasalita siya habang ginagamot ang kanyang manok.

Ang sa akin lang mga kasabong, tutal nanalo­ ka naman namnamin mo na lang ang panalo mo at huwag mapikon kasi ganyan talaga sa sabu­ngan dapat kung mahilig ka magpaikot eh marunong ka rin tumanggap ng kantyaw.

Meron nga d’yan, ‘yung kasador biglang magtatawag ng sino si “Ganito” kasi hinahanap ka ng asawa mo sa gate, biglang maghihiyawan ang mga tao sa loob ng sabungan ng “HULE!” kamot ulo ka na lang ‘pag ganun, hehehe…kaya sana enjoy lang sa sabungan.

***

Happy Birthday po kay Boss Honey Yu, (two-time World Slasher champion). Si Boss Honey po ang sunod namin na pupuntahan sa kanyang farm para ma-interview ng Sportalakan Sabong Idol/Sabong Legend.