Boyet game mag-donate ng blood plasma

NI: VINIA VIVAR

Just like Iza Calzado ay willing din si Christopher de Leon na mag-donate ng kanyang blood plasma. Ito raw ay pwedeng makapagpagaling sa ibang COVID-19 patients.

As we all know ay parehong COVID-19 survivors sina Iza at Boyet.

Kuwento ng manager ni Boyet na si Lolit Solis, nakausap daw niya ang aktor sa telepono at nagbigay ng update matapos nitong gumaling.

“Nag-usap kami ni Christopher de Leon sa phone Salve. Mula nang lumabas siya ng hospital now pa lang kami nag usap dahil hinayaan ko siya na magpahinga at tumawag lang pag nasa maganda na siyang timpla. Sabi ni Christopher sana daw kahit once a year magkaroon ng lockdown , ang laki daw pala ng nagagawa nito sa tao , iyon total rest ng physical at mind , iyon emotional reawakening, iyon nagagawa nitong clearing hindi lang sa tao kundi sa paligid.

“Na feel daw niya iyon linis ng hangin ngayon , hindi tulad nuon na humid ang paligid. Spiritually ang lakas daw ng naging tama sa puso niya dahil lahat parang naka stand still,” kwento ni Nay Lolit.

Iniiwasan daw sa ngayon ni Boyet na manood ng news dahil naa-upset daw sa mga balita about COVID-19 patients at mas gusto raw manonood ng mass sa TV.

“Gustong gusto niya iyon mass sa EWTN chanel ng catholic church, nakababad daw siya duon at iniiwasan niya manood ng news dahil naa upset siya sa mga balita ng covid 19.

“He will also donate his blood for the plasma na puwede magpagaling sa tinamaan ng virus.”

Thankful naman ang manager na muli ay nakaligtas ang aktor na dalawang beses na raw nanganib ang buhay.

“Twice ng nasa brink of death si Christopher de Leon , iyon una sa disgrasya sa taping , pangalawa now na tinamaan siya ni coronavirus.

“Talagang feeling blessed at love siya ni God kaya ganuon na lang ang gratitude niya sa lagi na pagliligtas ni God sa buhay niya. Amen,” pagtatapos ng talent manager/veteran columnist.