BPI binakbakan sa ‘offline Friday’

Ikinapikon ng mga depositor ng Bank of Philippine Islands (BPI) ang pag-offline nito kahapon nang walang abiso.

Matapos kasi nang mahabang holiday, kinailangan nang mag-withdraw ng ilan bago mag-weekend at nagulat na lang sila nang hindi sila makapag-transact online o sa ATM.

“What is wrong with your system AGAIN?! We can’t transact, even over the counter, kasi down daw ang system nyo and you can’t even say when it will go live! This is why BDO is a much better bank than you! Ayusin naman ninyo ang service nyo! It’s a weekend, for crying out loud,” sabi ng netizen na si Mara Ceguera.

Nagulat naman si Edgar Agbannaoag Aquino kahapon nang umaga dahil bihirang mawalan ng pila sa ATM ng BPI kapag araw ng Biyernes. Nang nakita niya ang malaking sign na OFFLINE, nalinawan siya agad. Sabi niya, sinisi ng BPI ang pagka-offline sa PLDT at sa PT&T na mga service providers nito.
“Hi are you having bank errors ngaun? I have mis­sing money in my acct all of a sudden,” tweet n i John Lee @juy_1990.

“Mababalik ba yung nawalang balance sa account ko? And the deposits na hindi nagreflect? I need the money ASAP ayusin niyo naman service niyo lagi na lang ganyan,” tweet naman ni BJ Pureza.

Sa official Facebook page ng BPI naglabas ng hinanaing si Bob Kevin Hipulan. Aniya: “BPI, what’s your problem? You can’t even tell your clients ahead that you would be offline today!”

Walang opisyal na pahayag ang BPI na magkakaroon ito ng system maintenance kahapon o na hayagang pag-aamin na down ang system nito. (Eileen Mencias)