Apektado rin ang Bank of the Philippine Islands (BPI) ng COVID-19 pandemic na magbabawas na ng kanilang mga tauhan simula July 1, 2020.
Ayon sa notice of separation na nilabas ng nasabing bangko, kailangan nilang liitan ang kanilang manpower dahil mas limitado na umano ang kanilang transaksyon dahil sa inaasahan na pagdausdos ng ekonomiya sa bansa dulot ng health crisi.
Ilan sa mga matatanggal ay ang mga probationary employee na tinuturing na redundant ang kanilang posisyon sa BPI, samantalang ang mga regular worker ang mananatili.
Nasa 30 percent ng kanilang probationary employee ang hindi na o-offeran ng permanenteng posisyon, ayon kay BPI President Cesar Consing.
Gayunpaman, sisiguraduhin ng BPI na mailipat ang ilang empleyado sa kanilang mga affiliate na kompanya para hindi tuluyang mawalan ng trabaho.
“The affected employees will be given the opportunity to interview with one of our affiliate companies which has expressed an interest in hiring a large majority of them,” saad ng BPI.
Bukod pa dito, hinihimok din ng BPI ang ilan sa matatagal nang nagsilbi sa bangko ang boluntaryong early retirement package.
“With COVID-19 presenting health risks and accelerating business transformation, we offered a number of our older tenured employees a purely voluntary early retirement package that assured them of preferential retirement terms, to allow them a smooth transition into the next phase of their lives,” ayon pa kay Consing.
Siniguro naman ng BPI na makakatanggap ng separation package ang kanilang mga probationary employee na kasama sa mga matatanggal.(RP)