Kahit hindi tayo close at sure na sure na wa care, wa knowing and they don’t even know we are alive, may kiyeme latik na affected much tayo sa chikang hiwalay na ang dekolor at puti nina Angelina Jolie at Brad Pitt.

‘Irreconcilable differences’ ang main ground sa divorce petition ni Angelina.

Ang chikang ito, of course, ay nagbibigay pag-asa sa mga supermodels at istarletitas in the US and London na once with a tandang pandamdam na ang relasyon of the Hollywood power­ couple, free for all na ulit ang playing field at pwede na nilang i-path ang kanilang quest to be the next Mrs. Brad Pitt.

At sino ang hindi maghahangad na maging bagong jowa ni Pitt? Juice ko! Katakam-takam pa rin siya
Walang babaeng hindi maghahangad at aasam.

Pagrampa ni Drew sa Makati, pambalanse sa umay sa hearing

Pampaalis ng umay sa hearing ang pagrampador alindog ng Hollywood ­actress na si Drew Barrymore sa isang mall sa Makati.

Base from her pictures, gandara pa rin si Drew at parang Ms. ­Amity, Charming at Congeniality personified.

Bet na bet ko ang kanyang hair color at age appropriate styling.

The West Wing, Scandal, The Good Wife  at House Cards, pamatay!

TAOB ang plot lines at story arcs ng The West Wing, Scandal, The Good Wife at House Cards.
Iyan ang  masasabi ko sa current political dramas at hearings na kasalukuyang #1 program.

Halos lahat yata, eh fully absorbed at affected sa mga kaganapan sa Senado at Kongreso. All that is happening, great materials for a political movie or satire.

Gaano pa kaya katagal ang moro-morong itong masquerading itself na in the aide of legislation?

Ang sa akin lang, once the dust has settled and the air is clear, after all the big reveals, ang katotoha­nan sana ang mangibabaw at mawala lahat ng drug lords, pushers at users sa ‘Pinas.

Lahat ng factory at pagawaan for illegal drugs, sarado na sana at timbog ang mga tao behind it.

Maubos sana ang droga at bentahan nito sa mga kulungan.

Mas magkapangil nawa ang mga batas kontra droga at ang batas na ito ay maipatupad na isina­saalang-alang pa rin ang karapatan ng mga tao

At ang men and women the industry, trade and perpetuation of drogang nakakaadik, naka­babaliw, nakasisira ng pamilya at nakamamatay, makulong sana sila.

Pwede ring sabay-sabay silang ma-stroke or magka-massive heart attack.

O kaya, dahil may sense of shame sila, patayin nila ang mga sarili nila sa sindak or that they do a harakiri.

Nawa’y may tunay na kabutihang maidulot sa masang ‘Pinoy ang moro-morong iniere sa tele­bisyon at radyo.

Kasi, kung wala, sa mga personaheng kasali sa hearing, tell us… bakit kayo andiyan?