(Ynares Sports Arena-Pasig)
12 p.m. – Batangas-EAC vs McDavid
2 p.m. – Wangs vs Metropac-San Beda
4 p.m. – Petron-Letran vs Che’Lu Bar & Grill
Makakaliskisan si Bonnie Tan bilang coach at balik-court si Jerrick Balanza na galing sa matagumpay na operasyon sa brain tumor ang tampok sa pukpukan ng mga debutanteng Petron Letran at Che’Lu Bar & Grill sa 9th PBA Developmental League 2019 Cup sa Ynares Sports Arena, Pasig.
Main game sa triple header ang alas-kuwatro nang hapong girian ng Knights (0-0) at Revellers (0-0) tapos ng siyapulan ng Wangs Basketball (1-0)-Metropac San Beda (1-0) sa alas-dos nang hapon, at ng Batangas-EAC (0-1)-McDavid (0-1).
Aasahan ni Tan sina NCAA Rookie of the Year Larry Muyang, dating Pilipinas cadet member Jeo Ambohot at scoring machine Alvin Pasaol.
Pero positibo si Revellers coach Stevenson Tiu na mauulit ang back-to-back runner-up finish nila noong nakaraang taon sa pagpasok ni Sean Manganti na tutulong kay 2018 Foundation Cup MVP Jeff Viernes.
Pupuntiryahin ng Couriers at Generals ang ikalawang panalo para sa solong liderato.
Umariba ang Couriers kontra Masterpiece Trinity, 89-69, sa tikas nina Arvin Tolentino, Axel Inigo at Radge Tongco.
Dinale ng Red Lions ang Perpetual Help, 85-75, sa petmalung mga kamay nina Donald Tanouka, James Canlas at AC Soberano.