Ronaline Avecilla

Makakapanayam nina Rodel Ocampo, Mildred Bacud at Rommel Placente mula sa “Showbiz Pamore Tonite” ang grupong Brat Boys.

Makikilala nang malaliman ang apat na mi­yembro ng grupo na sina Xander Pineda, Romcel Brinquis, Victor Rosales at Aerol Carmelo.

Kapwa nagkikisigan at nag-gagwapuhan ang mga miyembro ng Brat Boys. Bawat isa sa kanila ay may iba’t ibang taglay na dating at angas. Sila ay alaga ng pamosong manager na si Jojo Veloso.

Mapapanood sila ngayong Biyernes, 6PM, sa Abante TNT website, Abante Tonite Facebook page at Abante Tonite YouTube channel.