Braves, Red Cubs didikit sa Semis

arellano-braves-sanbeda-redcubs

Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
9:00 a.m. – Arellano vs. Letran (jrs)
10:45 a.m. – San Beda vs. Perpetual (jrs)
12:30 p.m. – Mapua vs. Lyceum (jrs)
2:15 p.m. – St. Benilde vs San Sebastian (jrs)
4:00 p.m. – JRU vs. EAC (jrs)

Pakay ng Arellano University Braves at San Beda College Red Cubs na manatili sa unahan para lumakas ang tsansa sa twice-to-beat advantage pagkatapos ng elimination round ng 92nd NCAA juniors basketball tournament.

Haharapin ng Braves ang Letran Squires, katapat ng Red Cubs ang Perpetual Help Altalettes sa The Arena sa San Juan mamaya.

Kinalos ng Arellano ang Jose Rizal U Light Bombers sa huli nilang laro habang kinaldag ng Cubs ang Lyceum of the Philippines Junior Pirates para magsalo sa top spot na may tig 11-1 records.

Ang panalo ng Braves at Cubs ang maglalapit sa kanila para sa playoff berth sa Final Four.

“Our goal is to make the Final Four first, if we can achieve it, we’ll start to think of the twice-to-beat edge,” ani San Beda coach JB Sison.

Mag-isa sa pangatlong puwesto sa 10-2 karta ang Mapua Red Robins na makikisagupa sa kapitbahay na Junior Pirates.

Kasalukuyang nasa pang-apat ang St. Benilde-La Salle Greenhills na may 9-3 baraha, katapat ng Junior Blazers ang San Sebastian Staglets. Sa huling laro ang balyahan ng Jose Rizal (2-10) at Emilio Aguinaldo (0-11).