Breakdancing pasok sa 2024 Olympics

Breakdancing pasok sa 2024 Olympics

Naging sport na rin ang breakdancing, at gumagawa ng hakbang ang International Olympic Committee para maisama ang discipline sa 33rd Summer Olympic Games 2024 sa Paris, France.

May mga nagtutulak at sumusuporta para maisama rin sa quadrennial event ang synchronized skating, squash, ultimate Frisbee at kahit chess, pero mukhang mauuna ang breakdancing.

Maganda ang appeal ng ‘breaking’ – tawag sa sport – sa mga batang henerasyon.

Sa Pilipinas, ‘di pahuhuli ang Pilipinos sa breakdancing. Kahit sa kalsada, ginagawa ito.

Pagkatapos ng IOC vote kamakailan, ‘provisionally added’ sa Paris Games sa 2024 ang breaking,­ skateboarding, surfing at sport climbing.

Bahagi na ng 2020 Summer Games sa Tokyo ang skateboarding, surfing at sport climbing.­ Magbibigay ng final decision ang IOC kung isasama rin ang apat na nabanggit na events sa France.

“The four sports that Paris has proposed are all totally in line with Olympic Agenda 2020 because they contribute to making the programme more gender balanced and more urban, and offer the opportunity to connect with the younger generation,” ani committee president Thomas Bach sa isang press release. (VE)