Aabot sa P79.2 million na halaga ng cash at tseke ang narekober sa kuta ng Maute terror group sa Marawi City.
Natuklasan ito ng mga tauhan ng Philippine Marines nang makubkob ang ginawang safe house ng mga Maute fighters.
Nasa pangangalaga ng Joint Task Force Marawi ang narekober na pera at mga tseke ng Philippine Marines para sa safekeeping.
Tiniyak ni AFP chief of staff General Eduardo Año na naka-record ang inventory sa mga nakumpiska nilang pera at tseke sa pwedeng gamiting paper trail upang malaman kung saan nanggagaling ang pondo ng Maute.
Natuklasan sa kuta ng Maute ang aabot sa P52.2 milyon na cash at tseke na nagkakahalaga ng P27 milyon.
Palaisipan ngayon sa awtoridad kung sino ang financier ng Maute.
Aminado si Año na nagulat s’ya kung saan nanggagaling ang milyun-milyong pondo ng grupo.
Paiimbestigahan din umano ng Maute kung talagang pag-aari ito ng Maute o pinatago ito ng isang negosyante o indinidwal na konektado sa iligal na negosyo tilad ng drugs trade.
Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na galing sa illegal drug money ang pondong ginagamit ng Maute para maghasik ng kaguluhan sa Mindanao.