Sapul habang bumabatak ng hinihinalang shabu ang dating sikat na manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) na si Paul Alvarez.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) District Special Operation Unit, nadakip si Alvarez at dalawa pang suspek, alas-9:00 ng gabi ng Sabado.

Nahuli ang ex-PBA cager at dalawa pang suspek na nakilalang sina Mohammad Dana Villar na dating celebrity model at isang Rey Allan Cruz Acosta, habang bumabatak umano ng shabu sa Anonas Ext., Cor V. LunaExt., Brgy. Sikatuna Village, Quezon City .

Ayon sa QCPD, isisilbi lang sana kay Alvarez ang warrant of arrest sa kasong slight physical injury, nang maaktuhan umano itong gumagamit ng iligal na droga.

Sinabi ni QCPD District Director Guillermo Eleazar na naglabas ng warrant ang korte dahil hindi umano sumisipot sa court hearing ang dating basketbolista.

Nahaharap si Bong Alavarez sa kasong slight physical injury at violation ng section 13 ng RA 9165  o paggamit ng illegal na droga.

2 Responses