Naalarma si Senador Risa Hontiveros sa hindi paglalaan ng pamahalaan ng pondo para sa pagbili ng mga gamot sa breast cancer sa panukalang 2018 national budget.
Ayon kay Hontiveros, noong 2017 ay naglaan ang pamahalaan ng P97 milyon para sa breast cancer medicines subalit nawala ito sa 2018 budget.
Ang P97 milyon aniya ay bahagi lamang ng P378 milyon na inilaan ng Department of Health (DOH) sa cancer medicine access program.
“This is unacceptable. Our country ranked the highest in a list of 197 countries with the most number of cases of breast cancer, yet we have zero allocations for breast cancer medicines?
How can the government convince those suffering from cancer that they can overcome this disease if it cannot provide the public access to needed medicines?” paliwanag ni Hontiveros.
Nangako ito na isusulong niya ito sa pagpapatuloy ng deliberasyon ng Senado sa panukalang 2018 budget.