Todas sa buy-bust operation ng pulisya ang isang aktibong kapitan ng barangay sa bayan ng Laurel, Batangas matapos makipagpalitan ng putok sa mga operatiba kamakalawa.
Kinilala ang napaslang na suspek na si Charlie Sanchez Macapuno, barangay chairman ng Poblacion 1 sa nasabing bayan na umano’y naunang nagpaputok ng baril sa umaktong poseur buyer sa ikinasang drug-bust dakong alas-10:37 ng gabi.
Naisugod pa sa ospital ang suspek ngunit idinekalarang dead-on-arrival ng mga sumuring doktor.
Narekober sa crime scene ang ilang plastic sachet ng hinihinalang shabu at marked money.