Brgy. kagawad inambus sa Basilan

dead-body

Namatay noon din ang isang barangay kagawad ng Lamitan City sa lalawigan ng Basilan matapos tambangan habang sakay ng kanyang motorsiklo kahapon.

Pinagbabaril ang biktima na kinilalang si Reynaldo Trota ng Brgy. Colonia habang binabaybay ng motorsiklo nito ang Sitio Sayugan sa Brgy. Maganda.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa katawan.

Sa pag-iimbestiga ng mga rumespondeng pulis, narekober sa pinangyarihan ng pamamaril ang mga basyo ng bala mula sa .45 caliber revolver.

Hindi pa mabatid ang motibo kung may kinala­man ito sa kanyang trabaho.