Agaw-eksena si Brian Heruela sa 107-93 win ng San Miguel Beer laban sa GlobalPort Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, napahanga pati si Beermen coach Leo Austria.

Pero hindi na nagtaka si June Mar Fajardo sa inilaro ng tag-team partner niya sa University of Cebu noong college days pa nila.

“Ginagawa na niya ‘yun dati pa,” pahayag ni four-time MVP Fajardo. “Kulang lang talaga sa kanya ‘yung minutes lang. Lagi naman siyang ready lagi kaming nag-uusap sa praktis na ready lang siya, nagpapakundisyon naman siya, nakikita naman ni coach ‘yun.”

Humalili sa injured na si starting guard Alex Cabagnot (foot), pakitang-gilas si Heruela ng 17 points mula sa 7 of 10 shooting, may five assists sa 23:22-minute job. Higit sa lahat ang walang humpay niyang pambubulabog kina Stanley Pringle at Sean Anthony, patunay ang nilista niyang six steals.

“I’m so happy with my bench tonight especially kay Brian Heruela, inagaw niya ‘yung show kay June Mar, ke Arwind (Santos) at kay Marcio Lassiter,” lahad ni Austria.

Tumapos pa rin si Fajardo ng dambuhalang 34 points, 13 rebounds at three blocks.