May itatanong lang po sana ako tungkol sa panaginip ko. Ako po at angboyfriend ko ay ikakasal na sa May 28, 2020. Sa naging panaginip ko po ay April 22 na, ako at ang pamilya ko ay naghahanda na sa kasal ko. Sa panaginip ko, pinipilit ko daw ang mama ko na huwag nang mag-ayos kasi nga ay isang buwan pa ang hihintayin bago ang kasal ko. Natatawa ako pero lahat daw kami ay nakaayos na. Nakita ko rin sa panaginip ang isang bride na siyang nakatakdang ikasal sa simbahan na iyon. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko.
Chay
Ang iyong panaginip ay natural lamang para sa isang nalalapit nang ikasal. Ang kasal ay kalimitang indikasyon ng isang bagong simula. Ito rin ang isang positibong panaginip.
Ang panaginip mo na nakaayos na kayong lahat kahit malayo pa ang iyong kasal ay dala lamang ng iyong excitement sa iyong nalalapit na kasal. Nag-uugat ito sa iyong pag-aalala na maging maayos ang buong preparasyon sa iyong kasal.
Ang panaginip mo naman kung saan nakita mo ang isang bride na ikakasal sa araw na iyon ay representasyon ng iyong mga alalahanin sa pagpasok mo sa isang napakalaking pagbabago sa iyong buhay. Kung sa buong panaginip mo ay wala ka namang naging kaba kundi puro saya at excitement ang naramdaman mo, indikasyon ito na handang-handa ka nang pasukin ang buhay may-asawa.
Ang panaginip din tungkol sa kasal o pagpapakasal ay sumisimbolo sa isang mabigat na desisyon na babago sa iyong buhay.
Sa bahagi ng iyong panaginip na nakaayos na kayong lahat, isa itong positibong indikasyon na ang iyong pagpapakasal ay inaayunan ng lahat. Sa kabuuan, ang iyong panaginip ay isang masayang mensahe ng iyong iyong subconscious na nakapokus sa iyong nalalapit na kasal kaya magrelaks lamang at patuloy na ihanda ang sarili sa panibagong chapter ng iyong buhay.
Dream Catcher
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.