Ang 62nd Cannes Film Festival Best Director Brillante Mendoza, sa isang panayam, may ganitong hanash patungkol sa MMFF 2018, “Alam naman natin na ang MMFF, ang intention niya talaga ay kumita at mag-entertain ng mga people from all walks of life—most especially, yung mga pamilya.”
Nanggaling ang hanash ni direk Brillante sa katotohanang ang kanyang pelikulang inilahok sa taunang festival ang “Alpha: The Right to Kill” ay ligwak.
Hindi na siguro dapat magdamdam o magtampo pa ang mabunying direktor sa di pagkakasali sa kanyang bagong obra dahil nga hindi na puwedeng ikubli ang katotohanan na ang huling pelikula niyang naging MMFF entry, ang Thy Womb, kung saan bida pa man din ang nag-iisang si Nora Aunor, ang biggest flop, bar none, sa buong kasaysayan ng December film festival.
Nasa hulog naman ang punto ni Direk Brillante kaya ang gusto kong malinawan, ano ba ang mga wala sa hulog na kaganapan sa MMFF na paparating?
Kung para sa pamilya at takilya ang MMFF, ang surefire bang maglalaban sa pagiging numero uno ay ang Jack Em Popoy: the Puliscredibles at ang Fantastica: the Princesses, the Prince and the Perya?
Dahil Christmas is a great season to watch horror films, sino ang mas mangangabog sa takilya, ang technically polished at visually stunning na Aurora o ang millennial friendly, walang pretensyon at may aral kang iuuwi na Otlum?
Ang family drama with a different kind of love na ingredient, ang Rainbow Sunset, go for gold ba ang support na makukuha mula sa pink community at malaki ba ang chance nito na pasok siya sa top 5?
Sa One Great Love, Mary, Marry Me at Girl In An Orange Dress, sino ang magwawagi, sino ang mangungulelat?
Pagkatapos ang gabi ng parangal, sino ang mas aariba pa lalo sa takilya? Kung ang talagang intensyon lang naman ng MMFF ay kumita at magpasaya ng mga pelikula, dapat pa ba nating seryosohin ang mga nanalo sa kanilang awards night?
Diyos ang bahala kung may katwiran ang paglaya ni Bong
Ano po ang masasabi niyo sa paglaya ni Bong Revilla?”
Ang aking emote, “Hindi na naman mahalaga pa ang aking opinyon tungkol sa usapin. Hayaan na lang natin ang kasaysayan at ang Maykapal ang magsabi kung may katwiran ang kaganapang ito.
“Magkakabuhay naman tayong lahat, pasasaan ba, ang katotohanan at tama pa rin ang magtatagumpay. Kung anuman ang nangyayari, the 16 million people who voted for the man in the palace right now, is getting what they deserve. Kaya ang diva that you love, alam na alam na ang gagawin pagdating sa mid-year election. Sana kayo rin, dear Abante TONITE readers, hindi lang mata niyo ang bukas, pati na ang inyong pag-iisip, lalo na ang inyong puso, sa maraming bagay-bagay.
“Kung sa pakiwari niyo, you deserve the best, then alam na ang dapat gawin pag halalan time na.”