Britney, June 15 ang concert sa MOA Arena

Britney Spears

“EXCITED to be performing in Manila this summer!”

Post iyan ni Britney Spears kahapon sa Facebook.

Nag-tweet ang Bench, “Baby can’t you see? She’s calling. Pop Icon Britney Spears live in Manila! Presented by @benchtm at the MOA Arena, June 15. #Bench30Years”

Magkano kamo ang tickets?

Ayon sa Facebook page ng concert producer na Wilbros Live’s:

SVIP — P28,350

VIP — P23,100

Patron — P15,750

Patron SRO — N/A

Lower A — P12,600

Lower B — P10,500

Upper Box — P5,775

General Admission – P2,625

Mabibili ang mga tiket simula Abril 5.

***

Medyo hindi na-achieve ng MEGA na ipunin at papuntahin ang kanilang so-called Mega-Icons sa kanilang 25th Anniversary celebration.

Sino kaya ang magtatagumpay pagsama-samahin ang mga ­magag­anda at malalaking pangalan sa industriya?

Wait lang tayo.

***

Kinanta ng biriterang si Morisette ang Shine sa 25th Anniversary program ng Mega Magazine.

Nasa audience bilang isa sa Mega Icons si Regine Velasquez. Impressed si Regine kay Morisette at ang sabi nito, “Parang wala lang!!! Uwian na, siya na!!! Siya na!!!

Morissette I’m proud of you sweetheart.”

***

Bilog ang mundo…

Kulasisi ni Dennis Trillo ang karakter ni Kim Domingo sa Juan Happy Love Story.

Sa upcoming sexy dramedy series na D’ Originals, tamang hinala si Kim sa kanyang asawa played by Archie Alemania. Kaabang-abang ang madibdibang paghaharap nina Kim at Meg Imperial.

Sa teaser, sizzling in red gowns ang dalawa.

Aalug-alog ang kanilang diwa at damdamin!

***

Nag-resign na si Mr. Fu sa EnergyFM.

Balik-radyo siya sa Win Radio simula April 3.

Pinatutugtog na ang kanyang signature music as teaser sa bagong istasyon.

Nataon ang kanyang pag-alis sa pagpasok ni Papa Jack sa istasyon.

Pati assistant ni Papa Jack na si Chico Loco ay parating din daw sa Energy FM soon.

***

Malakas ang impact ng radio guesting ni Vice President Leni Robredo sa araw ng birthday ni Presidente Digong sa DZMM.

Sa dami ng mga tanong ng listeners, minarapat na lang ng programa na ibi­gay ang text questions kay VP na hindi na nagkas­yang sagutin dahil sa time constraints.

“Did you GAVE her a copy?” sabi ni Ted Failon on air.

Oh, well…