Nakaligtas ang isang radio broadcaster sa tiyak na kapahamakan matapos tambangan ng ri­ding-in-tandem at pagbabarilin sa loob ng kanyang kotse kahapon ng umaga sa Legazpi City, Albay.

Suwerteng agad nakaakyat ng radio station ang biktimang nakilalang si Carlos Sasis, broadcaster­ ng ZagitSit News FM habang ang kotse nito ay tinamaan ng apat na bala sa unahang bahagi nito.

Ayon kay chief Insp. Arthur Gomez, tagapagsalita ng Albay Police Provincial Office (PPO), naganap ang insidente dakong alas-8:50 ng umaga sa kahabaan ng Imelda Roces Avenue sakop ng Barangay Cruzada ng nabanggit na lungsod.

Hindi naman nakilala ng biktima ang mga gunman.